Pinarangalan ang labing-dalawang overseas Filipino workers ng MoneyGram, isang financial-services company, sa kanilang mga nagawang sakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

Ang MoneyGram Idol Awards, ngayon ay nasa kanilang ikalawa nang taon, ay kumikilala na ng mga taong nagkikipagsapalaran sa abroad na sinusuportahan ang kanilang mga pamilya sa ‘Pinas, ayon sa ulat ng Philippine Star.

Ang mga naparangalan na sina Michelle Gomez, Emilia Moncada, Remie Magkalas, Rose Cabilen, Jade Colaljo, Aldrich Pablo, Cecille Acantalicio, Ryan Deyto, Jophil Cabahug, Marilyn Ayson, Merline Faigmanio at Mary Jane Toling, ay tigi-tigiisang nakatanggap ng Php 20,000 at ng all-expense paid trip papuntang Manila upang makapiling nila muli ang kanilang mga pami-pamilya.

Sabi ni Alex Lim, ang manager ng MoneyGram para sa Pilipinas, nais na kilalanin ng programa ang pagsusumikap at tiyaga ng mga overseas Filipino workers. Isa lamang sa mga serbisyo ng kumpanya ang pagpapadala ng pera.

“Milyon-milyong mga Pilipino na ang naninirahan at nakikipagsapalaran sa abroad ngayon, at naniniwala kaming marapat lamang na kilalanin at parangalan ang kanilang mga pang-araw-araw na pagsusumikap,” sabi ni Lim.

Noong pang 2017, mayroon nang 10 milyong mga Pilipino ang nagtatrabaho sa abroad, sa 170 bansa at mga teritoryo, kasama na ang Saudi Arabia, Japan, Hong Kong, ang United Arab Emirates at ang Taiwan. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang suma total nang mga padala ng mga overseas Filipino workers ay umabot na sa Php 1.49 trillion ($28.1 bilyon) noon lamang nakaraang taon.

Original: 12 overseas Filipino workers honored for hard work