Inanunsyo ng gobyerno ng Pilipinas na magkakaroon ng higit sa 300 hanggang sa 1,000 mga trabahong caregiver sa Japan sa mga susunod na buwan.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), natapos na ng gobyerno ng Japan ang Technical Internship Training Program na ipatutupad na sa mga susunod na buwan, ayon sa ulat ng GMA News.

Pinaalalahanan ni Jocelyn Sanchez, ang POEA deputy administrator, na maging maingat ang mga Filipinong nagbabalak at mag-apply lamang sa mga lehitimong POEA employment agencies upang maiwasang mabiktima ng mga ilegal na recruiter o ng mga human trafficking schemes.

Ayon sa POEA, ang buwanang sweldo na maaaring matanggap ng mga caregiver sa Japan ay aabot sa PHP50,000 hanggang sa PHP70,000. Ang mga matatanggap ay kinakailangang sumailalim muna sa training course ng caregiving.

Ayon sa gobyerno ng Japan, dahil sa mabilis na pagtanda ng populasyon ng mga Hapon, kinakailangan ng halos 2.45 milyong mga caregiver sa taong 2025.

Nakikipag-ugnayan na rin ang POEA sa gobyerno ng China para sa trabahong maaaring pasukan ng halos 1,000 guro ng wikang Inggles. Muli, pinaalalahanan ng POEA ang mga Filipinong naghahanap ng trabaho na mag-ingat at sa kanilang website lamang maghanap ng mga job order upang makaiwas sa mga manloloko.

Original: Up to 1,000 new caregiver jobs in Japan open to Filipinos