Sinentensiyahan ang isang Amerikano ng 20 taong pagkakakulong sa pagbabayad sa mga Filipina na pagsamantalahan ang kanilang mga anak at i-live-stream ito sa internet.

Sa pagitan ng Oktubre ng 2011 at Pebrero ng 2012, nakikipag-usap si Dwayne Stinson, 53-anyos, mula sa Manassas, Virginia, sa mga babae sa Pilipinas at inuutusan ang mga ito na hipuan at pagsamantalahan ang kanilang mga anak na ‘sing bata ng anim na taong gulang, iniulat ng Philippine Lifestyle News.

Sinabi ng United States Justice Department sa isang pahayag na nagbayad si Stinson ng nasa 40 mga babae gamit ang electronic payment service. Inamin ni Stinson na inutusan nga niya ang mga Filipina na magsagawa ng mga gawaing sexual sa kaniyang anim na taong gulang na anak na lalaki at i-live-stream ito.

Kinuhanan pa ng screenshot ni Stinson ang pagnanamantala at itinago pa niya ang mga ito sa kaniyang computer. Hinalughog ng mga pulis ng Prince William County ang bahay ni Stinson noong Marso ng 2012 at nakatagpo ng mga hard drive na naglalaman ng child pornography.

Noong Hulyo ng 2017, inaresto si Stinson at sinampahan ng five counts of producing child pornography noong Setyembre ng 2017. Napatunayang nagkasala si Stinson sa mga reklamo noong Abril at sinentesiyahan na ng 20 taong pagkakakulong noong ika-24 ng Agosto. Sinentensiyahan rin siya ng 10 taong supervised release.

Original: American jailed 20 years for paying Filipina to abuse son, 6