Mahigit sa 300 mga tao na mga naghahanap ng trabaho sa Singapore ang nagsabing niloko sila ng dalawang lalaki, na ‘di na napatunayang nagkasala sa mga fraud charges sa district court noong Lunes.

Ang dalawang Singaporean na lalaki ay niloko umano ang mahigit sa 300 banyagang mga naghahanap ng trabaho na mula sa mga bansang Pilipinas, India, Vietnam, at Myanmar na pagbayarin ng mga kung anu-anong mga bayarin upang masigurado ang kanilang mga trabaho, ngunit hindi na ito mga nagkatotoo.

Ayon sa prosecutor, ang mga defendant na sina Clarence Lim Jun Yao, 30-anyos, at Terry tan-Soo I-Hse, 40-anyos, ay ang mga director at ang mga nag-iisang shareholders ng tatlong kumpanya. Pinamumunuan ni Lim ang Asia Job Mart at UUBR International, habang si Tan-Soo naman ang sa Asia Recruit (AR), iniulat ng Shin Min Daily News.

Kinasuhan ang mga lalaki ng three counts of running a business for fraudulent purposes noong ika-10 ng Marso, 2015 hanggang ika-28 ng Marso, 2016, kung kailan nabiktima ng dalawa ang mahigit sa 300 mga naghahanap ng trabaho mula sa mga bansang Pilipinas, India, Vietnam at Myanmar.

Samantala, hinarap din ng mga lalaki ang 315 na mga kaso sa ilalim ng Employment of Foreign Manpower Act, kung saan isasama ang pagsisintensiya sa kanila kung sakaling sila’y mapatunayang nagkasala sa korte.

Napag-alaman ng korte na ang mga naghahanap ng mga trabaho sa ibang bansa ay naaakit ng mga online advertisements ng Asia Recruit, na nagpapangako ng trabaho sa Singapore. Kailangan nilang bayaran ang agency ng S$290 hanggang sa S$390 (o mahigit sa PHP11,000 hanggang PHP15,000) upang makakuha lamang ng mga job interview sa Asia Job Mart o kaya naman ay sa UUBR International.

Ang mga taong na-interview na ay pagbabayarin pa rin ng S$180 (o mahigit sa PHP7,000) upang masigurado ang kanilang mga trabaho at pagbabayarin muli ng S$650 hanggang S$850 (o mahigit sa PHP25,000 hanggang PHP33,000) upang matugunan ang mga training costs umano bilang isang bagong empleyado.

Ang dalawang defendants ay pinagpyansa ng S$110,000 (o mahigit sa PHP 4.3M) bawat isa.

Original: Two plead not guilty to cheating 300 in Singapore jobs scam