Sinaktan at itinumba sa kaniyang bisikleta ang Pinay sa Taiwan ng dating misis ng kaniyang asawa na pinaghihinalaan umanong pagganti nito sa kaniya.

Huli sa video na habang nagbibisikleta ang 44-anyos na Filipinang OFW sa New Taipei City, itinulak ito ng 51-anyos na dating asawa ng kaniyang ngayo’y mister patungong kalsada, na naging sanhi ng pagbangga nito sa isang nakaparadang sasakyan.

Ang dalawang babae ay parehong kasal sa lalaking Taiwanese, nanganak at nagpalaki ng mga bata kasama nito, ayon sa ulat ng Taiwan Apple, na sinipi ang isang post galing sa isang Taiwanese whistleblower website.

Ang babaeng umatake ay kasal sa lalaki ng dalawang dekada at isinisisi nito sa isang babae ang pagwawakas ng kanilang pagsasama.

Noong ika-20 ng Agosto, ang factory worker sa Yingge district sa southwestern New Taipei City ay nagbibisikleta lamang patungo sa kaniyang opisina matapos mananghalian at bigla na lamang itong tinambangan ng isang babaeng nakasuot ng helmet. Tumakbo ang babaeng naka-helmet patungo sa babaeng nagbibisikleta at itinulak ito sa kalsada at na naging sanhi ng pagbangga nito sa isang nakaparadang sasakyan.

Nagtamo ang babae ng mga sugat sa kaniyang mukha, sa iba pang parte ng kaniyang ulo at sa kaniyang balikat. Inireklamo niya ito sa mga pulisya, na agad rin nalaman ang pagkakakilanlan ng babae sa tulong ng footage mula sa isang dashboard camera ng isang kotse.

Nang malaunan ay hindi na rin itinuloy ng sugatang babae ang reklamo.

Original: Ex-wife assaults husband’s new Filipino girlfriend