Nananawagan ng tulong ang Filipinang domestic worker sa Saudi Arabia matapos umano siyang gahasain ng kapatid ng kaniyang amo.

Ipinahayag ni Janice Tolentino Hagdon, 34-anyos, sa isang video na ini-upload niya sa Facebook na pinagsamantalahan umano siya at pinagtangkaang gahasain nang tatlong beses ng kapatid ng kaniyang amo. Dagdag pa niya’y siya’y natuluyan nang gahasain sa ikatlong pagkakataon.

Sabi ni Hagdon, ipinarating na niya ang insidente sa kaniyang mismong babaeng amo, ngunit hindi raw siya nito pinaniwalaan. Matapos noon ay nanawagan na siya ng tulong sa social media upang mapauwi na sa Pilipinas.

Nag-viral ang video at na-view na ng mahigit sa 150,000 na beses at nai-share na ng mahigit sa 13,000 na beses ngayong linggo.

Ayon sa mga usapin sa internet, nagpunta si Hagdon sa Saudi Arabia at namasukan sa kaniyang amo noong 2017. Siya’y napag-alamang nasa Al Modey City, Yanbu, Saudi Arabia.

Original: Filipina pleads for help after alleged rape in Saudi Arabia

Read: Maid jailed for attempted suicide after being raped

Read: Filipino maid rescued after rapes by employer’s son