Binalaan ng isang Singaporean ang mga tao sa isang lokal na pahayagan matapos siyang harasin ng mga illegal loan sharks dahil sa mga utang ng kaniyang kasambahay sa mga ito.

Ang 40-anyos na babaeng amo ay sumulat sa isang pahayagan ng kaniyang lubos na pagsisisi matapos niyang kunin muli bilang kasambahay ang Filipina, kahit na may ugali itong mahilig mangutang ng pera.

Ayon kay Lianhe Wanbao (Singapore), sinabi ng babae, na nagtatrabaho sa isang bangko, na kaya niya lamang kinuha muli ang hiwalay sa asawang kasambahay dahil sa kaniyang mga inaalagaang ina, anak at apo.

Una niyang kinuha ang kasambahay noong 2015,  na nagpapakita naman ng maayos na serbisyo ngunit ito’y kaniyang sinisante dahil sa mga utang nito sa kaniyang mga kapwa Filipino at nahirapan siyang bayaran ang mga ito.

Sa nakalipas na dalawang taon, ‘di pa rin pinuputol ng amo ang kaniyang komunikasyon sa social media sa kasambahay. Nagmakaawa ang kasambahay na pabalikin siya sa trabaho dahil nagkaroon siya ng problemang pinansyal habang ito’y nasa ‘Pinas.

Kinaawan niya ito at muli niyang kinuha ang kasambahay noong Agosto ng nakaraang taon.

Ngunit noong Abril, nagkaroon ng alitan ang ina ng amo at ang kasambahay at pinagbataang pauuwiin ito ng Pilipinas, itinawag naman ito ng kasambahay sa mga pulis. Nagdesisyon ang amo na sisantihin na lamang ang kasambahay dahil ayaw niyang lumaki pa ang gulo at manghimasok ang mga pulis.

Makalipas ng dalawang linggo, nakatanggap ng mga banta ang amo at sinasabing bayaran ang mga utang ng kaniyang kasambahay na nagkakahalaga ng S$500 o halos PHP20,000.

Naghain ng reklamo ang amo sa mga pulis ngunit patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga banta. Tumigil lamang ang mga pagbabanta sa kaniya nang sinabi niyang umuwi na ang kasambahay sa Pilipinas.

Original: Filipina sacked for the second time after borrowing money