Binayaran ang isang Filipinang kasambahay ng HK$5,000 o mahigit sa PHP34,000 ng kanyang amo matapos ang negosasyon sa Labour Tribunal noong ika-8 ng Agosto.

Si Marichu Soriano ay humihingi ng pahuling-bayad na HK$8,000 o mahigit sa PHP54,000 mula sa kanyang amo na si Chow Chu-kuem, nang siya ay tanggalin sa trabaho matapos ang halos 3 taong serbisyo, ayon sa sunwebhk.com.

Ayon kay Chow, hindi niya na kailangan ang serbisyo ng kasambahay.

Natanggap ng kasambahay ang kaniyang buwanang sweldo, pamasahe para sa ticket sa eroplano at baong pera para sa byahe at pagkain galing kay Chow. Nakiusap ang kasambahay tungkol sa hinihinging pa-huling bayad, dahil ayon sa kanya, kasama ito sa napagusapan kung sakali man hindi na kailanganin ang kaniyang serbisyo.

Sinabi ni Chow kay Eric Tam, ang nangangasiwa ng usapan, na naging tamad na ang kasambahay, na siya na mismo ang gumagawa ng mga gawain kahit na binabayaran naman niya ang kasambahay. Dagdag paniya’y hindi na ito natutong magsalita ng Cantonese kahit na halos 3 taon na itong namamasukan sa kanya.

Noong una, ipinilit ni Chow na ibibigay lamang niya ang napagkasunduang HK$3,000 sa halip na HK$8,000, na siyang hinihingi ng kasambahay.

Sa huli, napagkasunduan na HK$5,000  na lamang ang ibigay matapos ang pamamagitan ni Tam.

Original: Filipina maid accused of ‘being lazy’ gets HK$5k settlement