Hindi napatunayang nagkasala ang Filipino sa panghihipo nito sa kaniyang katrabahong Indiana sa labas ng kanilang pinagtatrabahuhan sa isang court hearing sa Dubai noong Huwebes.

Noong Marso, ang 40-anyos na babaeng Indiana ay kakatapos lamang magtrabaho at nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan sa labas lamang ng kanilang pinagtatrabahuhan nang yakapin siya mula sa kaniyang likod ng lalaking Filipino, 29-anyos, at hinawakan ang kaniyang dibdib, ayon sa ulat ng Gulf News.

Sinagawan ito ng babae at itinulak palayo sa kaniya. Inireklamo niya ito sa mga pulis, na agad rin namang inaresto ang lalaki. Noong Huwebes sa Dubai Court of First Instance, hinarap ng lalaki ang reklamong panghihipo sa babae.

Napatunayan siyang hindi nagkasala at sinabi niyang hindi niya hinawakan ang babae. Nagsumite din siya sa korte ng isang written waiver, na galing umano sa Indiana.

Tumestigo ang isa sa mga Thai na kaibigan ng babae na kasama nito nang nangyari ang insidente na ipinasok umano ng lalaki ang kaniyang mga kamay sa ilalim ng braso ng babae at hinipuan ito. Dedesisyonan na ang kaso sa darating na ika-13 ng Setyembre.

Original: Filipino pleads not guilty to groping Indian in Dubai