Inaresto ang 39-anyos na Filipinong domestic worker noong Lunes sa Fo Tan sa New Territories ng Hong Kong sa pagliligo umano sa isang anim na buwang gulang na sanggol ng pinaghalong bleach at shower gel.

Noong tanghali, nagsumbong ang 35 anyos na babae sa mga pulisya nang nadiskubre niyang ginamit ng kasambahay ang pinaghalong timpla upang ipampaligo sa kaniyang anim na buwang gulang na babaeng sanggol sa isang apartment sa The Morning Glory residential complex sa Lok Ha Square, ayon sa ulat ng Oriental Daily.

Nakumpirma na nakadiskubre ang ina ng mga pantal at pamamaga ng balat sa kaniyang sanggol. Matapos niyang tanongin ang domestic worker, inamin naman nito na naghalo nga siya ng bleach sa shower gel ng bata.

Inaresto ang domestic worker sa kasong pagmamaltrato o pagsasawalang bahala nito bilang tagabantay ng bata.

Isinugod ang sanggol sa Prince of Wales Hospital para sa medical treatment nito. Fina-follow up na ng crime investigation unit ng Sha Tin Police District ang kaso.

Original: Filipino maid accused of mixing bleach into baby’s bath gel