Pinasalamatan ng isang Filipinong domestic worker ang kabutihang loob ng kaniyang mga amo sa Saudi Arabia, na ‘di lamang siya’y binigyan ng mga mamahaling regalo, ngunit tinulungan pa rin siyang bayaran ang mga medical expenses ng kaniyang anak at nagbigay pa sa kaniya ng libu-libong pesos upang makapagpatayo ng sariling bahay sa Pilipinas.

Si Mhai San Pedro, 31-anyos, ay nagsabing tinatrato siya bilang parte na ng pamilya ng kaniyang amo kahit na nakakapagtrabaho pa lamang ito sa kanila ng walong buwan.

Sabi ni San Pedro, na kahit naninilbihan pa lamang siya sa mga ito ng walong buwan, ay binigyan na siya ng mga ito ng mga mamahaling mga bagay, tulad ng mga handbag at sapatos bilang pasasalamat sa kaniya ng pamilya.

Bukod pa sa mga regalo, sabi ni San Pedro na tinulungan pa siya ng pamilya ng kaniyang among mabayaran ang mga medical expenses ng kaniyang anak na babae noong siya’y maospital. Binigyan rin siya kaniyang babaeng amo ng nasa PHP 500,000 sa pagpapagawa ng kaniyang bahay sa ‘Pinas.

Ayon kay San Pedro, ito ang mga buhay na halimbawa ng mga mabubuting amo. Sinabi niyang pipilitiin niyang maibigay pa ang kanyang husay  at galing sa kanila upang maipamalas niya ang kaniyang pasasalamat.

Original: Filipino maid receives gifts, cash from Saudi employers