Isang Filipinong pari ang inrereklamo ng pang-aabuso sa mga binata at pagnanakaw ‘di umano ng malaking halaga ng pera mula sa isang simbahan sa Texas sa United States.

Noong Mayo ng 2017, si Rev. Edmundo Paredes, isang pastor sa St. Cecilia Catholic Church sa Oak Cliff, Dallas ng 27 taon, ay inimbestigahan sa pagnanakaw niya ‘di umano ng perang nagkakahalagang US$60,000 hanggang sa $80,000 (PHP3.2M hanggang sa PHP4.3M) mula sa kaban ng simbahan. Inamin naman ni Paredes ang pagkakasala niya at sinuspinde at tinanggal siya mula sa simbahan, iniulat ng Dallas News.

Noong Pebrero, nadiskubreng si Paredes ay sangkot sa pangmo-molestiya sa tatlong binata noong mahigit sa 10 taon na ang nakalilipas at hindi nalalaman ng mga opisyales ng simbahan ang insidente hanggang sa simulan nang imbestigahan si Paredes.

Kinumpirma ni Bishop Edward Burns na totoo ang mga alegasyon, ngunit hindi na ito nagbigay ng ano pa mang detalye ukol sa insidente. Ayon kay Burns, maaaring umuwi at ngayo’y nagtatago na si Paredes sa Pilipinas.

Ang Catholic Diocese ng Dallas ay nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad sa Pilipinas upang matunton si Paredes.

Original: Filipino priest missing amid claims of abuse and theft in US