Isang Filipinong transgender na babae na naka-visa-free visit at isang lalaking Taiwanese ang naaresto sa isang hotel sa Taipei, Taiwan, sa pagiging sangkot umano sa mga ilegal na sexual na gawain.

Nakakatanggap ang mga opisyales ng Daan Precinct ng Taipei City Police Department ng mga report ukol sa mga biglang pagtaas ng bilang ng mga visa-free visits na galing sa mga bansa sa Southeast Asia na bumibisita lamang sa nightclubs sa Taipei, ayon sa ulat ng The Liberty Times.

Ayon sa mga paunang imbestigasyon, na ang mga ito ay mga transgender na sex workers na naghahanap umano ng mga customer gamit ang mga nauusong mga dating apps.

Kadalasan naman ay habang mga nakadamit nang malalaswa, ang mga transgender na babae ay mag-iikot sa mga clubs at hahanap ng mga interesadong lalaki.

Noong ika-11 ng Agosto, nahuli ng mga pulis ang usapan ng transgender na babae na nagngangalang Grace at ng isang lalaking Taiwanese na ang apelyido’y Lin, habang sila’y nagtatawaran ng presyo ng kanilang sexual transaction galing sa original price na NT$10,000 (PHP17,345) sa NT$3,000 (PHP5,203).

Niraid ng mga pulis ang kanilang kwarto, at sinuri ang personal ID ng dalawang taong nahuli. Nagulat umano ang customer nang malaman niyang transgender pala ang babae na nakasaad sa passport nito na ito’y “male”.

Inaresto ang dalawa at pinanatili sa ilalim ng Social Order Maintenance Act at Immigration Act upang makatulong sa mga susunod na imbestigasyon.

Original: Filipino transgender tourist arrested for offering sex in Taipei