Isang Filipinong manggagawa sa isang hotel, arestado, nang mapatay niya sa pananaksak ang kanyang katrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ang 48-anyos na Filipino na nagtatatrabaho ng halos siyam na taon na sa kusina sa isang hotel sa Jeddah, ay napuno na noong ika-20 ng Hulyo matapos pagsabihang pumasok sa kanyang day-off, ayon sa ulat ng ABS-CBN news noong Martes.

Pagkarating ng Filipino sa kanyang trabaho, nairita umano ito at nakipagtalo sa kanyang katrabaho na isang Tunisian nasyonal.  Lumala umano ang pagtatalo ng dalawa sa puntong sinuntok na ng Tunisian ang Filipino sa ulo.

Nakadampot naman ang Filipino ng kutsilyo at nasaksak nito ang kanyang kaaway.

Ayon kay Edgar Badajos, ang Philippine Consul General sa Jeddah, dinepensahan lamang umano ng Filipino ang kanyang sarili sapagkat ang kanyang katrabaho ang nagsimula ng gulo.

“Tutulungan natin ang ating kababayan na magkaroon ng mabuting pagkatawan na legal at sisiguraduhin nating magiging patas ang kanyang paglilitis”, sabi ni Badajos.

Inaresto ng mga awtoridad ang lalaki at iniimbestigahan na ang kanyang kaso.

Ang parusang kamatayan ay sadyang ipinapataw sa mga taong pumatay o nakapatay sa bansang Saudi Arabia.

Original: Filipino arrested for the fatal stabbing of co-worker in Saudi