Isang Filipinong administrador na nagtatrabaho sa Dubai ang nasentensiyahan ng 6 na buwang pagkakakulong matapos mapatunayang nagkasala nang kunan niya ng video ang Pinay na kanyang dating kinakasama sa apartment habang ito’y nagbibihis.

Noong Nobyembre, ang Pinoy, 38-anyos, ay kinuhanan ng video ang kanyang Pinay na kasama sa apartment, 24-anyos, habang ito’y nagbibihis at naghahanda para sa kanyang trabaho, ayon sa ulat ng Gulf News.

Nagsasalo ang dalawa sa isang apartment sa Dubai Investments Park.

Ipinaalam ng isang kaibigan ng babae na pinasahan rin ng video ang pangyayari sa kanya at ipinagmalaki pa ng lalaki na kinuhanan niya umano ito ng video nang nakahubad. Ipinakita sa babae ng kanyang kaibigan ang kanyang halos hubo’t hubad na 10-second video.

Pagkatapos niyang makita ang video, agad niyang ipinaalam ito sa mga awtoridad, at kinalauna’y inaresto ang lalaki. Kinasuhan ang lalaki ng paglabag sa dangal at privacy ng babae dahil sa palihim niyang pagkuha nito ng malaswang video.

Sa Dubai Court of First Instance, napatunayang nagkasala ang lalaki sa isinampang kaso sa kanya, at nasentensiyahan siya ng 6 na buwang pagkakakulong noong Huwebes.

Original: Filipino gets six months for filming roommate semi-nude