Isang Fiipinong kasambahay sa Saudi Arabia ang nanawagan ng tulong sa social media matapos ipahayag na binugbog umano siya ng kapatid ng kaniyang amo. Imunungkahi ni Gina Laulita Quiniones sa Facebook na noong gabi ng Linggo, siya at ang kanyang Filipinang kaibigan, na namamasukan rin bilang kasambahay sa kapatid ng kaniyang amo, ay abala lamang sa pag-aalaga ng dalawang anak nito.

Ayon kay Quiniones, abala siyang naghuhugas ng mga pinggan habang ang kaibigan niya’y ipinaghahanda ng tinapay ang isa sa mga bata. Sabi ng kaniyang kaibigan, nakita umano si Quiniones ng kaniyang bantay na saktan ang isang taong gulang na pinsan nito na nasa walker, at isusumbong niya raw ito kanyang tiyo.

Itinanggi ni Quiniones na sinaktan niya ang bata, at kung sakaling ginawa man niya ito, umiiyak na sana ang bata.

Kinompronta ng tiyo ng bata si Quiniones, at itinanong kung talaga bang sinaktan niya ang bata. Itinanggi ito ni Quiniones. Gayunpaman, hindi rin siya pinaniwalan nito at siya’y binugbog pa rin.

Ini-upload ni Quiniones ang mga litrato ng kaniyang mga pasa sa social media at nanawagan siya ng tulong sa mga tao upang i-share kaniyang post sa pag-asang mayroong makapagpapauwi sa kaniya.

Ayon kay Quiniones, hindi siya papayagang makauwi sa Pilipinas ng kaniyang amo sapagkat hindi pa niya natatapos ang kanilang kontrata,kung hindi, kailangan niyang magbayad ng 18,000 riyals (PHP255,082) rito. Pinagbantaan din niya na kung umuwi man si Quiniones, ay ipapa-ban niya itong muling makapasok ng Saudi Arabia.

Original: Maid pleads for help on social media after suffering abuse