Isang 46-anyos na Pinay ang nahuling nagnanakaw sa Taiwan noong ika-2 ng Agosto, nang subukan nitong magpalusot sa pamamagitan ng pagkikipag-usap nito sa wikang Ingles sa tindera.

Huli sa akto ang isang domestic worker nang tangkain nitong magnakaw ng mga cosmetics sa isang convenience store sa Pingtung County sa Southern Taiwan. Nagkunwari umano siyang hindi naiiintindihan ang tindera at sinamantala niya ito gamit ang wikang Ingles.

Isang patrol ng Yanpu Police Station sa Ligang Precinct ng Pingtung County Police Bureau ang nakatanggap ng sumbong na mayroong customer na nagtago umano ng powder foundation at ng eyeliner sa loob ng kanyang handbag at nagtangkang umalis nang hindi nagbabayad, ayon sa ulat ng Pingtung County government.

Iyon na umano ang kanyang ikalawang pagtatangka sa pagnanakaw ng cosmetics sa tindahan ring iyon. Nakita sa CCTV footage ang babae pagkatapos ng ilang araw, na sinubukan nitong umalis nang hindi nagbabayad.

Nang dumating ang pulis, nakikipagtalo ang babae sa wikang Ingles sa tindera na hindi nakakaintindi ng naturang wika. Ang babaeng pulis na nagngangalang Liu, na nagtapos sa pamantasan ng Wenzao Ursuline University of Languages sa Kaohsiung City, ang nakipag-usap sa babae sa matatas na Ingles, ayon sa The United Daily News.

Inamin naman ng Pinay ang kanyang pagkakasala at inaresto siya sa kasong pagnanakaw.

Original: Filipina caught shoplifting tries using English to escape