Sinabi ng babae sa isang video na hiniwa umano ang kaniyang ari at pinutol pa ang kaniyang mga utong ng kaniyang amo sa northern Bahrain at hindi rin siya pinasweldo ng limang taon.

Sa isang Facebook video na ini-upload ni Stephanie Esguerra, sinabi ng domestic worker na si Emma Balela, 33-anyos na inabuso siya ng kaniyang 52-anyos na Bahraining amo at pinatulog siya ng limang taon sa isang kwartong may kasalo siyang mga hayop. Sinabi rin niyang pinutol ng kaniyang amo ang kaniyang mga utong at parte ng kaniyang ari , ayon sa ulat ng Gulf Digital News.

Dinala si Balela sa isang ospital noong  nakaraang buwan. Sabi niya’t tinulungan siya ng kapatid na babae ng kaniyang amo sa pamamagitan ng pagbili nito sa kaniya ng ticket sa eroplano pabalik ng Pilipinas at sa pagbawi nito ng kaniyang passport sa kaniyang amo. Noong nakalabas na si Balela sa ospital noong nakaraang lingo, agad siyang dumeretso sa airport.

Sa airport nakilala ni Balela si Esguerra na tumulong sa kaniya upang ipalaganap ang kaniyang karanasan sa social media. Sabi rin ni Balela na nais niyang magsampa ng kaso sa kaniyang amo upang mabawi niya ang kaniyang limang taong sahod.

Sinabi ni Ricardo Aragon, ang vice-consul ng Philippine Embassy sa Bahrain, na iniimbestigahan na ng embassy ang kaso at nakipag-ugnayan ang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs sa Manila kay Balela nang siya’y dumating noong Martes.

“Sinalubong na ang babae ng mga opisyales ng DFA at kasalukuyang nagpapagaling sa St. Luke’s Hospital,” sabi ni Aragon.

Original: Maid, unpaid for 5 years, mutilated by employer in Bahrain

Update: Kasambahay, mayroon lamang PTSD at hindi sinaktan, ayon sa embassy