Ipinanawagan na ang Filipinong kasambahay na nabalitang nawawala na ng mahigit sa isang taon sa Kuwait matapos takasan ang kaniyang amo.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Kuwait na si Ronalyn Yonting Lawagan ay lumipad ng Kuwait upang magtrabaho roon noong 2015. Nawalan na contact ang pamilya ni Lawagan sa kaniya noon pang Pebrero ng 2017, ayon sa ulat ng The Kuwait Times.

“Nakumpirma na nga naming nawawala ng halos 18 buwan na si Ronalyn Lanawagan. Hindi namin alam ang kaniyang kinaroroonan, ngunit nakipag-ugnayan na kami sa mga lokal na awtoridad upang matulungan nila kaming mahanap siya”, ayon sa isang kinatawan ng embahada.

Lumayas si Lawagan mula sa kaniyang amo noonf Pebrero ng 2017 at simula noon, hindi na siya nakipag-contact pa sa kaniyang mga pamilya. Nanawagan na ang embahada sa social media upang mahanap si Lawagan.

Noong ika-13 ng Agosto, naglabas na ng pahayag ang embahada sa publiko upang i-contact na si Lawagan kung mayroon man silang kahit anong nalalaman tungkol sa kaniyang lokasyon.

“Ang mga Pilipinong may nalalaman sa pinaroroonan ni Bb. Lawagan ay pinapakiusapang ibigay ang kaniyang contact details sa embahada sa lalong madaling panahon”, sinabi ng embahada.

Kung sino man ang mayroong impormasyon tungkol sa pinaroroonan ni Lawagan ay maaaring tumawag sa +965 65002612.

Original: Bid to find maid missing in Kuwait for 18 months