Nag-viral simula pa noong Miyerkules ang isang litrato ng isang foreign domestic worker na nakaupo lamang sa tabi ng kalsada sa labas ng isang Chinese restaurant sa Hougang, Singapore, kung saan masayang kumakain ang kaniyang mga amo, at pinuna ng mga netizen ang mag-asawa sa pagiging mga arogante nito at sa pagsasagawa ng modernong paraan ng pang-aalila.

Ang 38-anyos na netizen na hiniling na huwag ipakilala, ang nagsabing kaya niya kinuhanan ng litrato ang domestic worker sa kadahilanang nakita niya na sabay na dumating ang mag-asawa at ang kanilang kasambahay; matapos ay nakita niya umanong umupo na agad ang kasambahay sa labas ng restaurant samantalang masayang kumakain ang kaniyang mga amo sa loob, ayon sa ulat ng Independent Singapore.

Dagdag pa niya’y kung kagustuhan man ito ng babae o hindi, nagpakita ng walang pakundangang pag-uugali ang mag-asawa nang iwan nila ang kanilang kasambahay sa labas sa katirikan ng araw, at kung susumahin pa ay madali lang namang ikuha ito ng silya upang makaupo man lang ito sa lilim.

Nakatanggap ang litrato ng 1,200 comments at 6,200 na reactions at nai-share na sa mahigit sa 8,600 na beses simula pa noong ito’y ini-upload sa SBS – Sure Boh Singapore Facebook page ng kinaumagahan ng ika-7 ng Agosto. Pinupuna naman ng mga netizens ang mag-asawa sa kanilang pagiging arogante.

Pagmamalasakit sa kapwa ang nagkulang, ayon sa iba, at dapat binigyan kahit man lang ng bangkito ang kasambahay.

Sa kabilang banda, ikinwento naman ng ibang netizens ang kanilang mga karanasan, na maaari ring ito ang ginusto ng kasambahay na hindi makiupo sa kaniyang mga amo habang ito’y mga kumakain. Maaari ring daw ang kasambahay ay nagi-special diet na naaayon sa kaniyang relihiyon.

Original: Maid seen sitting on the sidewalk while employers dine