Ang lalaking ‘di umano’y tinaguriang “person of interest” ay inaresto na dahil sa pagkamatay ng Filipinang kasambahay, na natagpuan ang bangkay sa kwarto ng isang hotel sa Jeddah, Saudi Arabia noong nakaraang linggo.

Natagpuang patay ang 52-anyos na Filipinong domestic worker, na nabalitang nawawala, sa isang kwarto ng isang hotel sa Jeddah noong ika-15 ng Agosto. Datapuwa’t napag-alaman lamang ang kaniyang pagkamatay ng Philippine Consulate General ng Jeddah pagkalipas ng tatlong araw, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Ayon sa consulate, hindi kasal ang babae at unang lumipad ng Saudi Arabia upang mamasukan bilang domestic worker noon pang 2007.

Noong Miyerkules, sinabi ni Consul General Edgar Badajos na inaresto na ng mga awtoridad ng Saudi ang lalaking sinususpetyahang sangkot sa pagkamatay ng babae. Sinabi ng mga awtoridad na ang lalaki ang pinakahuling nakita na kasama ng Filipina bago siya napag-alamang nawawala at kinalauna’y natagpuang patay.

Sinabi ni Badajos na inaasahang magbibigay ng update ang mga awtoridad ukol sa kanilang imbestigasyon at sa resulta ng otopsiya sa susunod na linggo, matapos ng Eid al-Adha holiday.

Original: Man arrested over Filipina’s death in Saudi hotel room

Read: Missing Filipino maid found dead in hotel in Saudi Arabia