Nasentensiyahan na ang isang Austrialiano ng pito’t kalahating taong pagkakakulong noong ika-2 ng Agosto sa pagpaplanong paglipad sa Pilipinas at bumayad upang makipagtalik sa isang pitong taong gulang na dalagita.

Si Douglas Thomas Purves, 40-anyos, ay binayaran ang isang babae sa ‘Pinas upang ihanap siya ng mga dalagitang anim hanggang labing-dalawang taong gulang na magi-strip nang live sa harap ng webcam at ipapadala sa kanya ang mga videos ng mga dalagitang magpapakita ng maseselang bahagi ng kanilang mga katawan, ayon sa ulat ng Philippine Lifestyle News.

Nagtanong din si Purves sa babae kung magkano ang kalakaran sa pakikipagtalik sa mga dalagitang ito. Ang mga presyohang ibinigay ng babae ay PHP60,000 para sa pitong taong gulang, PHP30,000 para sa siyam na taong gulang at PHP20,000 naman para sa labing-dalawang taong gulang. Pinlano niyang lumipad ng ‘Pinas upang makipag-talik sa mga dalagita.

Noong ika-2 ng Agosto, sa District Court ng New South Wales, napatunayang nagkasala si Purves sa apat na kasong isinampa laban sa kaniya na pagiging dahilan ng pakikipagtalik ng isang batang wala pa sa edad na 16 sa labas ng Australia at five counts ng paggamit ng carriage service upang makaangkat ng child pornography.

Sinentensiyahan siya ng ‘di bababa sa pito’t kalahating taon na pagkakakulong na mayroong non-parole period na matatapos pa sa Pebrero ng 2023.

Original: Man jailed for offering to pay for sex with Filipino minor