Isang 29-anyos na dayuhang tambay na Bangladeshi ang nasentensiyahan ng 8 buwang pagkakakulong at tatlong hataw ng baston noong Miyerkules matapos siyang mapatunayang nagkasala sa pananamantala sa isang 29-anyos na Filipina sa Bayfront sa Singapore noong Mayo ng taong ring ito.

Nakuha ni Hosan Daluar ang atensyon ng mga guwardiya ng casino noong siya ay lumalapit-lapit sa mga upuan ng mga babaeng customer, subalit hindi naman ito lumalaro ng kahit anong sugal sa Marina Bay Sands casino noong ika-26 ng Mayo, ayon sa ulat ni Lianhe Wanbao (Singapore).

Nakita si Daluar ng senior security manager at ng kanyang kasama at nagpasya ang mga ito na sundan ito habang naglilibot-libot ito sa bay-front noong kaumagahan ng ika-27 ng Mayo. Pagsapit ng 3:10am, lumapit na umano si Daluar patungo sa isang magkasintahan – isang Filipinang namamasukan bilang isang kasambahay at ang kanyang 32-anyos na Bangladeshing  kasintahan na natutulog sa isang bangko sa isang lugar sa labas ng casino – at umupo ito sa tabi nila.

Iminungkahi sa husgado na nakaramdaman umano ang babae ng kamay na pumasok sa kanyang shorts at hipuan nito ang maselan na bahagi ng kanyang katawan. Nagtaka umano ang babae nang nakita niyang akap-akap naman siya ng kanyang kasintahan nang dalawa pa niyang braso. Si Daluar lamang ang nag-iisang tao na malapit sa kanila sa mga oras nang iyon.

Noong tumawag ng tulong ang babae, sinubukan pang tumakas ni Daluar ngunit nahuli na kaagad ito ng security manager at ng kanyang kasama, at ipinaaresto na siya sa mga pulis.

Original: Man sentenced to 8 months and the cane for molesting maid