Nakauwi na ang mahigit sa 100 Filipinong nabigyan ng amnesty ng gobyerno ng United Arab Emirates. Noong kinaumagahan ng Huwebes, ang nasa suma total na 105 Filipino, kabilang ang anim na mga bata, ay nakarating na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Manila.

Sinagot ng Department of Foreign Affairs ang kanilang mga tiket at mga immigration fees, ayon sa ulat ng GMA News.

Sabi ng isang Filipina, si Lola Marilou, namasukan siya bilang isang kasambahay sa Dubai ng 11 taon. Sabi niya’y nagtrabaho siya roon nang legal ng limang taon dahil siya’y mayroong work visa, ngunit nanatili pa rin sa siyudad ng dagdag pang anim na taon.

Sabi ni Amy Paz, isa pang domestic worker, nilayasan niya umano ang kaniyang among nangmamaltrato sa kaniya. Dagdag pa niya’y nanirahan lamang siya roon nang ilegal upang masuportahan nang pinansiyal ang kaniyang mga anak.

Ayon kay Paul Raymund Cortes, ang Consul-General sa Philippine Consulate sa Dubai, ang gobyerno na ng Pilipinas ang sumasagot ng mga bayarin ng mga Filipinong nag-apply ng amnesty. Binabayaran rin ng gobyerno ang mga plane tickets at exit paper fees, na nagkakahalagang PHP33,350 kada tao, iniulat ng The National.

Magtatagal ang amnesty program ng UAE hanggang ika-31 ng Oktubre. Ang mga Filipinong ilegal na naninirahan roon ay hinihikayat na gamitin ang amnesty upang maayos nila ang kanilang mga status o kaya naman ay makabalik na sa Pilipinas nang walang binabayarang kahit anong overstaying fines.

Original: More than 100 Filipinos given amnesty head home from UAE