Isinusulong ng isang mambabatas ang isang bill na makakapigbagay sa mga asawa ng mga Filipinong migrante ng karapatang makapag-apply ng bayad na 15 araw na special leave of absence sa kanilang mga trabaho.

Si Linabelle Ruth Villarica, ang district representative ng probinsya ng Bulacan at miyembro ng national House of Representatives, ang nagsabing ang 15 araw na bayad na leave ng sa mga asawa ng mga OFW ay makakatulong sa kanila upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

“Napipilitang magkaroon ng mga karagdagang reponsibilidad ang mga miyembro ng pamilya na naiwan sa ‘Pinas, at ang mga asawa ng mga OFW ay parehong nagiging ama at ina upang mapunan ang kawalan ng kaniyang asawa”, sabi ni Villarica.

Nakasaad sa House Bill 7573, na kilala rin bilang Special Leave for Overseas Workers’ Spouse Act of 2018, na ang mga mangagagawa na gustong mag-apply ng leave ay kinakailangang magsumite sa kanilang mga amo ng kopya ng kanilang marriage contract, passport ng kanilang asawa, at inpormasyon tungkol sa trabaho ng kanilang asawa sa abroad.

“Dahil ang tungkulin ng bill ay mapopretaktahan ang pamilyang Pilipino, lubos na kinakailangan ang pagpapasa nito”, dagdag pa niya.

Ang mga taong lalabag sa mga regulasyon ng bill ay magpa-piyansa ng ‘di hihigit sa PHP25,000 o kaya naman ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan.

Original: Lawmaker seeks 15-day leave for migrant workers’ spouses