Ipinahayag ng isang manunulat sa United Arab Emirates ang kaniyang appreciation sa mga Filipino domestic workers sa kanilang mga serbisyo at tinawag silang “silent heroes”.

Sa isang komentaryo na ipinublish ng The National, sinabi ng manunulat na si Saeed Saeed na hindi niya maintindihan ang mga among ipinagsasawalang bahala na lamang ang kanilang mga domestic worker at dapat lamang silang tratuhin nang may dignidad at may respeto.

“Paano nila nagagawang itrato nang ‘di makatao ang mga taong naninilbihan sa kanilang mga pamamahay?”, tanong ni Saeed.

Sinabi niyang umaasa siyang mag-iiba na ang pagtatatrato sa mga domestic worker at sila na’y rerespetuhin dahil sila’y mga nagsusumikap hindi lamang para sa pamilya ng kanilang mga amo, ngunit para na rin sa kanilang mga sariling pamilya sa Pilipinas.

“Para sa akin, sila ang mga silent heroes na naging dahilan upang makapagpahinga ang aking mga nagsusumikap na mga magulang, at binigyan nila kami noong kami’y mga bata ng atensyon ng magulang na aming hinahanap-hanap,” sabi niya.

Sa pag-aalala sa kaniyang kabataan, sinabi ni Saeed na natutunan niya sa kaniyang domestic worker na si Teresa, na ang mundo ay mayroong iba’t ibang kultura at ang mga iba’t ibang relihiyon rin nito ay maaaring mamuhay ng mapayapa. Ipinahayag ni Saeed ang kaniyang pasasalamat kay Teresa sapagkat ito ay naging malaking parte ng kaniyang buhay.

“Maraming salamat sa pagiging parte ng paghubog sa kung ano mang naging ako ngayon”, sabi niya.

Original: UAE columnist calls Filipino maids ‘silent heroes’