Kadalasang dalawang Filipino ang nahuhuli buwan-buwan sa Hong Kong International Airport dahil sa pagdadala ng stun guns. Karamihan sa mga nahuhuli ay dumadaan lamang sa Hong Kong at sa ibang bansa ang tunay na destinasyon.

Inabisuhan na ng Philippine Consulate General ang mga Filipinong huwag nang magdala ng mga stun guns, pepper spray at iba pang ipinagbabawal na gamit sa Hong Kong, kahit pa man dadaanan lamang sila ng lungsod.

May suma total nang 30 Filipinong na kalimitang dumadaan lamang sa Hong Kong, ang dinakip noong nakalipas na taon dahil sila’y nahulihan ng mga stun guns at iba pang ilegal na mga gamit sa kanilang mga bagahe, ayon sa ulat ng hongkongnews.com.hk.

Nagbabala si Consul Paul Saret, nangangasiwa sa Philippine Consulate General (PCG) – Assistance to Nationals Section, na mahigpit ang Hong Kong ukol sa pagbabawal ng stun guns, bala, pepper spray, extended batons, tear gas, balisong, at mga knuckleduster sapagkat itinuturing ang lahat nang itong armas ayon sa batas ng Hong Kong.

Nakasaad sa Hong Kong’s Firearms and Ammunition Ordinance, na sino man ang mahulihan ay pagmumultahin ng HK$100,000 (PHP680,000) at masisintensiyahan ng hindi hihigit sa halos limang taong pagkakakulong.

Original: Filipinos arrested at HK airport for carrying stun guns

Read: Filipino woman with stun gun nabbed at Hong Kong airport