Sa kabuuan, 63 mga Filipino ang mga ilegal na nagtatrabaho umano sa Malaysia ang naharang ng Philippine Coast Guard nang sila’y pauwi na sakay ng isang bangka galing Sabah noong Linggo.

Naharang ang bangka malapit sa baybayin sa Barangay Baliwasan. Sa mga nakasakay, 41 tao, kasama na ang 16 na menor de edad, ay walang angkop na identification documents, iniulat ng Philstar Global.

Ang natitirang 22 tao na mayroong mga dokumento, na kalimitang mga taga-Zamboanga City, Sibuco at Sirawai, ay ipinadala sa Department of Social Welfare and Development. Ang iba sa kanila, na nakilalang nagtatrabaho sa Malaysia bilang mga factory workers, ay nagsabing nais nilang bumalik ng Saba matapos nilang bumisita sa kanilang mga mag-anak sa Pilipinas.

Ayon sa Zamboanga Coastguard Station commander na si Noriel Ramos, marami sa mga naharang ang napilitang umuwi gamit ang “back door channels” dahil sa ongoing na paghuhuli ng mga ilegal na imigrante ng mga awtoridad sa Malaysia.

Ayon naman sa Philippine Department of Foreign Affairs, mayroong nasa 400,000 na ‘di dokumentadong mga taong galing sa Pilipinas ang Malaysia. Ang tantsa pa ng mga awtoridad san Malaysia ay higit pa ito sa doble ng bilang na iyon.

Noong nakaraang buwan, nag-launch ang Immigration Department ng Malaysia ng voluntary surrender program upang mahikayat ang 840,000 ilegal na imigrante bansa na umalis nab ago mag-ika-31 ng Agosto nang walang parusa. Noong ika-10 ng Agosto, ang Philippine Ambassador sa Kuala Lumpur na si Charles Jose ay pinakiusapan ang mga ‘di dokumentadong mga Filipino sa Malaysia na samantalahin ang voluntary deportation program, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Original: Filipino illegals intercepted while returning from Sabah