Tinalo ng Philippine women’s volleyball team ang Hong Kong noong Huwebes at nakamit ang una nilang panalo sa loob ng 36 na taon.

Matagal nang inaabangan ang pagkapanalo nila sa Preliminary Round ng volleyball tournament sa Jakarta. Ang huling beses na nanalo ang Pilipinas sa isang match sa Asian Games ay noon pang tinalo nila ang India noong 1982 na ginanap sa New Delhi, ayon sa ulat ng GMA News.

Natalo ang Pilipinas sa Thailand at Japan, ngunit ang kanilang panalo sa Hong Kong ay makapagbibigay sa kanila ng pagkakataon na umabot ng quarterfinals. Malalaman ito sa match laban sa Indonesia sa darating na Sabado.

Nakikilahok ang Pilipinas sa 31 isports sa Asian Games ng taong ito, at kasalukuyang nakakamit na ng limang bronze medal, tatlo sa taekwondo at dalawa sa wushu at isang gintong medalya sa weightlifting.

Isang 85-anyos na Filipino ang pinakamatandang nakikilahok ngayon sa Asian Games. Lalaban si Kong Te Yang sa isang card game na tinatawag na Bridge. Ito ang pinakaunang pagkakataong ipinakilala ang Bridge bilang isang isport sa Games.

Original: Philippines Asian Games volleyball win is first in 36 years