Iniuwi ng Pilipinas ang dalawang medalya nito sa opening day ng 18th Asian Games na kasalukuyang idinadaos sa Jakarta, Indonesia.

Noong Linggo, sa Jakarta Convention Center, nanalo ang Philippine men’s taekwondo team ng third place sa team poomsae competition. Pumangalawa naman ang China habang ang Korea ang nanalo ng gintong medalya, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Ipinanalo ng Pilipinas ang kanilang ikalawang gintong medalya matapos manalo ang women’s taekwondo team ng third place sa team poomsae competition. Napunta ang silver medal sa Korea, habang ang Thailand naman ang nanalo ng gold. Sabi ni Juvenile Faye Crisostomo, 22-anyos, isang miyembro ng women’s team, sila’y nagagalak na ireprisenta ang Pilipinas at ipanalo ng gintong medalya.

The Philippines' men taekwondo team. Photo: Facebook/ Philippine Sports Commission
The Philippines’ men taekwondo team. Photo: Facebook/ Philippine Sports Commission
The Philippines' women taekwondo team. Photo: Facebook/ Philippine Sports Commission
The Philippines’ women taekwondo team. Photo: Facebook/ Philippine Sports Commission

“Hindi namin inaasahang manalo ng third place. Lubos kaming nagagalak sa mga nangyari.”, sabi ni Crisostomo.

Lalahok ang Pilipinas sa 31 isports  ng Asian Games ngayong taon, kung saan umaasa ang tennis team  ng bansa na mapanalunan na nila ang unang medalya matapos ng walong taon. Napanalunan ng bansa ang kanilang huling gintong medalya sa tennis noon pang sa 2010 Asian Games na idinaos pa sa Guangzhou, China.

Sinabi ni Chris Cuarto, ang head coach ng Philippine tennis team, na mayroon silang mas magandang tsansang manalo ng medalya ngayong taon.

“Talagang matutuwa ako kung makakapasok ang kahit isa sa aming mga manlalaro sa semifinals”, sabi ni Cuarto.

Idinadaos ang 18th Asian Games simula noong ika-18 ng Agosto hanggang sa ika-2 ng Setyembre sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

Original: Philippines wins two medals on opening day of Asian Games