Isang Pinoy na clerk na nagtatrabaho sa Dubai, nakatakas sa dalawang lalaking estudyante na nagtangkang manggahasa sa kaniya. Nakatakas siya sa mga ito siya patungo sa ikaunang palapag, ngunit siya’y nagtamo ng malulubhang bali at mga sugat.

Noong alas-10 ng umaga ng ika-14 ng Mayo sa isang train station sa Dubai, nilapitan ang 41-anyos na Pinoy ng isang estudyanteng Yemeni, 19-anyos, at sinubukan nitong kumbinsihin ang lalaki na ihahanap niya ito ng trabaho, ayon sa ulat ng Gulf News.

Inalok ng estudyante na samahan siya sa kaniyang apartment sa Al Qusais upang makapagpalit ito ng damit at tutulungan umano niyang makahanap ng trabaho ang Pinoy. Noong sila’y nakarating ng apartment, hinintay ng Pinoy na makapagpalit ng damit ang estudyante.

Ngunit pagkabalik ng estudyante sa kwarto, suot na lamang nito ang kaniyang underwear at tinangka niyang hubaran ang Pinoy at sinabi nitong gusto nitong makipagtalik sa kaniya. Isa pang estudyante, Sudanese national at roommate ng Yemeni, ay lumabas sa kaniyang kwarto at tinutukan ng hawak niyang kutsilyo ang Pinoy.

Nakatakas ang Pinoy nang siya’y tumalon sa bintana, ngunit pagkabagsak niya, nabali ang kaniyang mga braso, mga hita at parte ng kaniyang likod. Agad na tumawag ng ambulansya ang security guard ng building at isinumbong nito ang pangyayari sa mga awtoridad, na umaresto naman sa dalawang estudyante.

Noong Martes sa Dubai Court of First Instance, sinampahan ng kasong attempted rape at knifepoint ang dalawang estudyante. Ipagpapatuloy ang paglilitis sa dalawa sa ika-23 ng Setyembre.

Original: Filipino jumps out of window to escape rape in Dubai