Naipanalo ng babaeng weightlifter ang pinaka-unang gintong medalya ng Pilipinas sa 18th Asian Games sa Indonesia noong Martes. Sa ikatlong araw ng Games sa Jakarta International Expo Hall, si Hidilyn Diaz, 27-anyos, ay lumahok sa women’s 53-kilogram category sa weightlifting competition at bumuhat ng nasas suma total na 207kg upang masungkit ang first place, inulat ng Rapper.

Dati nang nanalo si Diaz ng silver medal noong sa 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro.

Si Kristina Shermetova ang nag-uwi ng silver medal matapos bumuhat ng 206kg habang si Surodchana Khambao naman ang nagwagi ng third place matapos bumuhat ng 201kg.

Hidilyn Diaz bagged the first gold medal for the Philippines. Photo: Twitter/ Philippine Sports Commission
Hidilyn Diaz bagged the first gold medal for the Philippines. Photo: Twitter/ Philippine Sports Commission

Makatatanggap si Diaz, ang pinakauna ring Filipinang nanalo ng Olympic medal, ng suma total na PHP6 M para sa kaniyang pagkapanalo sa Jakarta.

Makatatanggap siya ng 2 milyong piso mula sa gobyerno ng Pilipinas na naaayon sa Republic Act 10699, o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Makatatanggap rin siya ng 2 milyong piso mula sa Philippine Olympic Committee, at 1 milyong piso naman bawat isa mula sa Siklab Foundation at sa Philippine Ambassador ng Indonesia na si Lee Hiong Wee.

Original: Weightlifter bags first gold for Philippines in Asian Games