Napilitang manganak ang isang Filipina sa loob ng kaniyang kotse nang maipit siya sa mabigat na traffic sa lungsod ng Maynila.

Si Cheoui de Leon ay nakatakdang manganak sa Setyembre 23 ngunit nagsimula na siyang makaramdamam ng pananakit sa tiyan noong Sabado. Pumunta si De Leon sa kaniyang doctor noong araw na iyon at sinabing nasa 2cm na ang luwag ng kaniyang cervix, iniulat ng ABS-CBN News.

Pinayuhan siya ng kaniyang doctor na maging mas maingat dahil maaari na siyang magsimulang mag-labor. Kahit nakaramdaman na ng pananakit ng tiyan si De Leon, itinuloy niya pa rin ang kaniyang baby shower. Ngunit noong mas lalo pa siyang nakaramdam ng sakit, sinabihan na niya ang kaniyang doctor. Inabisuhan naman siya nito na agad nang pumunta sa ospital.

Agad naman dinala sa hospital si De Leon ng kaniyang fiancé na si Luis Bernabe. Ngunit naipit ang magkasintahan sa mabigat na traffic sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Mayroon nang isang anak si De Leon, kaya’t ramdam niyang ano mang oras ay maaaring lumabas na ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ngunit wala pa rin sila sa ospital.

Habang papasok na sila De Leon sa ramp ng ospital, pumutok na ang kaniyang panubigan at nagluwal na siya ng isang babaeng sanggol sa ganap na oras ng 7:30pm sa loob ng kanilang kotse.

Agad naman na tinulungan  ng mga staff ng hospital si De Leon at ang sanggol. Sa kabutihang palad, maayos na ang kalagayan ng sanggol at ng kaniyang ina.

Ito na ang ikalawang beses na mayroong nanganak sa gitna ng traffic sa Pilipinas noong Sabado, matapos  ipanganak ang sanggol sa Victorias City sa Negros Occidental noong hapong ring iyon.

Original: Woman gives birth in car stuck in heavy Manila traffic