Isang Filipina sa Perak, Malaysia, na naging balo na kasama na lamang ang kaniyang dalawang anak na babae matapos malunod ang kaniyang mister at ang 16-anyos na lalaking anak sa dagat noong Hunyo, ay pinarangalan ng tatlong taong tulong na pinansiyal.

Noong ika-20 ng Hunyo ng 2018, ang kaniyang 49-anyos na mister, ang kaniyang 16-anyos na anak na lalaki at ang isang 19-anyos na lalaki – kaibigan ng anak – ay nalunod sa dagat sakay ng maliit na bangka habang sila’y nanghuhuli ng tail sharks, isang paboritong pagkain sa Taiping, iniulat ng The Sin Chew Daily (Malaysia).

Nakipag-ugnayan ang Sin Chew Daily Foundation sa pamilya ng biktima, at binigyan sila ng tatlong taong tulong na pinansiyal ng 1,000 ringgit (PHP13,000) kada buwan. Napag-alaman ng foundation na umaasa ang pamilya sa kanilang ama, dahil ang ina nilang Filipina ay kumikita lamang ng mas mababa pa sa 1,000 ringgit (PHP13,000) kada buwan bilang isang part-time na waitress sa isang restaurant at sa pagbebenta ng mga homemade na mga punda ng unan.

Upang matulungan siyang magpalaki sa kaniyang dalawang anak na babae, edad 8 at 11, umaasa ang babaeng magkaroon ng automatic sewing machine upang mapabilis ang kaniyang paggawa ng mga punda ng unan.

Umaasa rin siyang makakuha ng hawker’s license upang siya’y makapagtinda ng mga inihaw sa gabi habang inaasikaso niya ang kaniyang mga anak sa araw.

Original: Widow receives financial aid to raise two daughters