Dalawang Filipina ang kinasuhan matapos ‘di umano magbentahan ang dalawa ng tatlong buwang sanggol. Ayon sa mga awtoridad, ang ina ng bata ay kakasuhan rin ngunit ito ay pinaghahahanap pa.

Lunes nang lumipad si April Rose Ramirez mula Cagayan de Oro, isang siyudad sa Mindanao, papuntang Maynila upang makipagkita kay Catherine Lagustan, ang sinasabing bibili ng sanggol. Ang dalawa ay nagkita sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, ulat ayon sa GMA News.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagtangkang ibenta ni Ramirez ang sanggol sa halagang PHP30,000 (US$555). Ngunit tinanggihan ni Lagustan ang sanggol nang makita niyang ito ay may bingot sa labi.

Ngunit sabi ng NBI, kahit na hindi kinuha ni Lagustan ang sanggol, handa pa rin itong magbayad sa ina ng sanggol at magbayad ng dagdag na PHP3,500 kay Ramirez.

Inaresto at kinasuhan ng child trafficking sila Ramirez at Lagustan.

Nasa pangangalaga na ng Philippine Department of Social Welfare and Development ang sanggol.

Original: Two Filipino women arrested over alleged baby-sale deal