Nanganak ang isang Filipina habang patungong ospital sa Victoria City, Negros Occidental sa Pilipinas.

Si Vilma Salondro, 27-anyos, ay kasama ang kaniyang tatlong-taong gulang na anak nang siya’y patungo na sa ospital sa Cadiz City ng Sabado nang hapon upang magpa-admit na nang makaramdam siya ng sakit matapos siyang sumakay sa bus, iniulat ng ABS-CBN News.

Halos dalawang kilometro na lamang ang layo ng ospital, nang pumutok ang panubigan ni Salondro. Tinulungan siya ng dalawang babaeng pasahero at pinahiga sa mga upuan ng bus upang isilang ang kaniyang anak. Siya’y nanganak ng babaeng sanggol.

Nang makarating ang bus sa ospital, tumakbo ang mga doctor at mga nurse sa loob ng bus at dinala ang ina at ang kaniyang anak sa emergency room.

Hindi na napasalamatan ni Salondro ang dalawang babaeng pasahero sa kanilang pagtulong sa kaniya, na hindi na rin inilathala ang kanilang pagkakakilanlan.

Sinabi niyang sana’y maging good Samaritan rin ang kaniyang babaeng anak ‘pag laki nito tulad ng dalawang babae sa bus.

Original: Filipina gives birth in bus on her way to hospital