Ang Filipinang dating domestic worker, na napag-alamang pinalayas ng kaniyang amo nang hating-gabi sa tahanan na kaniyang pinagtatrabahuhan sa Hong Kong, ay namatay na dahil sa cancer.

Si Joan, 41-anyos na walang asawa at may tatlong anak, ay namatay sa cervical cancer sa kaniyang probinsiya sa Guimba, Nueva Ecija, sa may hilaga lamang ng Maynila, noong ika-25 ng Agosto, iniulat ng sunwebhk.com.

Noong Mayo ng nakaraang taon, nag-viral ang litrato ni Joan na kinuhanan ng kaniyang kapwa domestic worker na pinapakita si Joan na kaawa-awang nakaupo sa may tabing kalsada kasama ang kaniyang maleta at dalawang bag.

Napag-alaman na ginising si Joan ng kaniyang amo at pinalayas siya sa kanilang apartment ng hating gabi ng ika-1 ng Mayo, 2017.

Namasukan si Joan sa kaniyang amo ng dalawang taon at dawalang buwan. Inempake ng kaniyang amo ang kaniyang mga kagamitan sa kaniyang maleta at mga bag at sinubukang isakay siya nito sa isang taxi patungo sa shelter sa simbahan, na sinasabing ginamit na niya ang lahat ng kaniyang leave.

Dalawang buwan bago ang insidente, na-diagnose si Joan ng stage 3 to 4 na cervical cancer. Sumailalim siya ng 20 mga paggagamot ng radiotherapy sa Tseung kwan O Hospital sa Po Lam.

Dinala ng kapwa manggagawa si Joan sa kaniyang bahay bago siya ipadala muli sa ospital upang ipagpatuloy ang kaniyang paggagamot sa cancer.

Tinulangan siya ng mga opisyales ng Overseas Workers Welfare Administration na makauwi ng Pilipinas.

Napag-alamang inabisuhan si Joan ng Help for Domestic Workers na grupo na magsampa ng kaso sa ilalim ng Disability Discrimination Ordinance laban sa kaniyang amo dahil sa paraan ng pagpapalayas sa kaniya nito nang sobrang aga – nang marupok at may sakit.

Ngunit hindi na nalaman pa kung itinuloy ba ang pagsasampa ng kaso.

Dose-dosenang mga kaibigan ang nagbigay pugay kay Joan at sa kaniyang mga pamilya sa isang lokal na simbahan matapos niyang mamatay bago ang kaniyang pagpapalibing sa village cemetery.

Original: Filipina domestic worker cast out of Hong Kong dies of cancer