Inakusahan ng Filipinong domestic worker sa Hong Kong ang kaniyang among regular na humihithit ng marijuana matapos siyang ipaaresto nito sa pagnanakaw.

Noong ika-25 ng Agosto, inakusahan si Liza Panabe, 46-anyos, ng pagnanakaw ng iba’t ibang mga gamit sa kaniyang amo at itinawag siya ng mga pulis at ipinaaresto.

Nang dumating ang mga pulis, pinakitaan sila ng amo ng isang bag na naglalaman ng 17 na face masks, 20 sleeping pills at dalawang kaha ng sigarilyo, na ninakaw umano ni Panabe sa kaniya, iniulat ng sunwebhk.com.

Itinanggi ni Panabe ang mga alegasyon at sinabing hindi niya ginamit ang mga naipakitang mga gamit. Ipinahayag niyang nagkakaroon umano siya ng allergic reaction sa mga face mask at hindi siya naninigarilyo. Matapos noon ay sinabi ni Panabe sa mga pulisya na humihithit ng marijuana ang kaniyang amo, at nagpakita pa ito ng mga litrato mula sa kaniyang cellphone bilang katunayan.

Ipinakita rin ng kasambahay ang isang notebook kung saan detalyado niyang isinulat ang lahat ng pagmamaltrato at pang-aabusong ginawa sa kaniya ng kaniyang amo. Sinabi ng mga pulis kay Panabe na mag-impake na at umalis na sa bahay ng kaniyang amo. Dinala nila siya sa Wong Tai Sin police station upang makuha ang kaniyang statement.

Ipinarating ni Panabe sa kaniyang kapatid ang nangyari at humingi ito ng tulong sa isang grupong tinatawag na Domestic Workers Corner Help Group at sinabing siya’y nasa police station. Tinawagan ng isang miyembro ng grupo na si Rain Tuando, ang mga pulis at nakipag-usap na palayain na lamang si Panabe sa pamamagitan ng pagpa-piyansa.

Siya’y pinalaya at pinagpiyansa lamang ng HK$100 (PHP680) at pinayuhan ng mga pulis na magsampa ng reklamo laban sa kaniyang amo sa Labour Department sapagkat siya’y nakaranas ng pagmamaltrato at hindi pa pinasahod.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang kaso at wala pang isinasampang mga reklamo.

Original: Filipina accused of theft claims boss was smoking drugs