Isang Filipinang skateboarder ang nakasungkit ng ikaapat na gintong medalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Games sa Indonesia.

Noong Miyerkules, sa JSC Skateboard Stadium sa Palembang, si Margielyn Didal, 19-anyos, ang naging ikalimang Filipinang nanalo ng gintong medalya sa Asian Games at ang nag-iisang atletang nanalo ng gintong medalya sa skateboarding. Lahat ng mga gintong medalya ng bansa sa 2018 Games ay naipanalo ng mga kababaihan, iniulat ng Rappler.

Nanalo si Didal laban kina Isa Kaya ng Japan at Bunga Nyimas ng Indonesia, ang mga nakasungkit ng silver at bronze na medalya. Nakakuha si Didal ng 30.4 na puntos, na tumalo sa puntos ni Kaya na 25.0 at ni Nyimas na 19.8 na puntos.

Dahil sa kaniyang pagkapanalo ng gintong medalya, makatatanggap si Didal ng hindi hihigit sa PHP6M bilang pabuya galing sa gobiyerno ng Pilipinas at sa mga pribadong mga sektor.

Ang Filipinang skateboarder, na tubong Cebu, ay anak ng isang karpentero at ng isang tindera sa kalsada. Sinabi niyang gagamitin niya ang kaniyang mga napanalunan upang mabigyan ng pangkabuhayan ang kanilang pamilya.

Nanalo na ang Pilipinas ng apat na gintong medalya. Si Hidylyn Diaz sa weightlifting, si Yuka Sason sa women’s individual category sa golf, at sina Saso, Bianca Pagdangan at Lois Kaye Go naman sa women’s team category sa golf.

Original: Filipina street kid wins Asian Games skateboarding gold

Read: Weightlifter bags first gold for Philippines in Asian Games

Read: Philippines Asian Games volleyball win is first in 36 years