Isa ang Filipinong nurse sa 24 na taong inaresto sa reklamong pang-aakit ng mga bata sa sex sa New Jersey sa United States. Inakusahan si Christopher Vargas, 24-anyos, isang rehistradong nurse, ng pakikipag-usap sa mga binatilyo nang may intensyong makipagtalik rito.

Inakala ni Vargas na siya’y nakikipag-usap sa isang 15-anyos na lalaki, ngunit ito ay isa lamang pulis na naka-undercover, iniulat ng GMA News.

Inaresto si Vargas nang tinangka niyang makipagkita sa lalaki sa isang bahay sa Toms River, New Jersey. Sinabi ng New Jersey Attorney General’s Office na mayroon pang 23 iba pang naaresto, kasama na ang isang pulis at isang sex offender noong ika-5 at ika-9 ng Setyembre.

Sinabi ni Attorney General Gurbir Grewal na ang mga miyembro ng Internet Crimes Against Children Task Force ng estados ay mga nagkunwaring mga dalaga’t binata na mga nag-eedad na 14 hanggang 15 at sinakyan naman ang kanilang pagkukunwari ng 24 na mga suspek.

“Nakakatakot na talaga ang reyalidad na ang mga sexual predator ay makakasalamuha mo na lamang sa mga social media, handang umatake kapag makakakita sila ng mga batang walang kalaban-laban”, sinabi ni Grewal.

Si Vargas at ang 23 mga suspek ay sinampahan ng kasong second-degree luring, ang iba naman ay kumakaharap ng iba pang dagdag na mga reklamo tulad ng second-degree attempted sexual assault on a minor at third degree attempted debauching the morals of a child.

Limang lalaki ang kumakaharap na ngayon ng third-degree charges of attempted sharing obscene materials with a child matapos nilang mag-send ng mga litrato ng kanilang mga ari.

Original: Filipino nurse charged with luring children for sex in US