Inaasikaso na ng gobiyerno ng Pilipinas ang seguridad ng paglaya ng limang OFW na kinidnap sa Libya at Iraq.

Noong Hulyo, tatlong Filipinong technicians sa Libya ang kinidnap ng mga armadong lalaki, at sa Iraq naman ay dalawang babae, habang patungo ang mga ito sa Baghdad, ang kinidnap rin sa Uzem District sa timog ng Kirkuk, iniulat ng Manila Bulletin.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na noong ika-8 ng Hulyo, ang dalawang Pinay ay nakatakas sa kanilang mga kidnapper at nailigtas na ng pulis ng Kuwait. Gayunpaman, wala pa ring nalalaman ang mga pulis sa kinahinatnan ng dalawang babae, at sa mga kinaroroonan ng tatlong lalaki sa Libya.

Sinabi ni Jun Alonto-Datu Ramos, ang spokesperson ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), na lumipad si Secretary Abdullah Mamao, ang presidential adviser ukol sa hinaing ng mga OFW at ng mga Muslim, patungo sa Kuwait noong ika-21 ng Agosto upang maiayos ang paglaya ng  dalawang Pinay sa mga pulis.

Sa kinalauna’y, papatungo si Mamao sa Libya upang asikasauhin ang paglaya ng tatlong mga technicians. Ayon sa DFA, isa pang manggagawang dayuhan at apat na Libyans pa ang mga nakidnap, at kinalauna’y pinalaya rin. Napag-alamang nananatiling nasa mga kamay ng mga kidnapper ang tatlong mga Filipino.

Walang inilalabas ang kahit anong media ukol sa mga pagkakakakilanlan ng mga biktima.

Original: Govt seeks release of Filipinos kidnapped in Iraq and Libya