Ipinagbawal na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Federated States of Micronesia dahil sa mga ulat di umano ng pang-aabuso sa mga Filipino sa mga isla ng Micronesia.

Sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang mga bagong tanggap at bagong uwing mga manggagawang Filipino ay hindi na ipapadala sa Micronesia. Sinasabing ang utos na ito ay ni-rekominda ng Department Foreign Affairs (DFA) dahil sa mga balitang inaabuso ang mga Filipinong manggagawa, ulat ayon sa Philippine News Agency.

“Mariing nirerekuminda ng DFA ang kabuuang pagbabawal ng pagpapadala ng mga Filipino sa Federated States of Micronesia hangga’t hindi naaayos ang mga kasong di pa nasu-solusyonan at mapaganda ang kondisyon ng mga Filipinong nagtatrabaho dito.”, pahayag ng POEA.

Nakatatanggap ng mga reklamo ang DFA noong Hunyo 2017 na ang mga Filipinong medical workers ay minamaltrato at inaabuso sa Chuuk State Hospital, na siya namang blacklisted na sa mga pinapadalhan ng mga Filipino. May mga reklamo din ng paglabag sa kontrata, harassment at diskriminsayon.

Ang Federated State ng Micronesia ay grupo ng halos 607 isla sa Kanlurang Pacific. Ito ay independent sovereign island nation at kasapi sa United States na binubuo ng apat na lugar – Yap, Chuuk, Pohnpei at Kosrae – at nasa 4,000 kilometro timog-kanluran ng Hawaii. Kilala ang Micronesia sa mga marine activities gaya ng diving, snorkelling, pangingisda, surfing at iba pa.

Ayon sa gobyerno ng Pilipinas, halos 2,000 Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Micronesia.

Original: Philippine govt bans workers being sent to Micronesia