Ang Indones na caregiver sa central Taiwan ay ‘tila inaabuso ang matandang lalaki sa paghampas niya sa ulo at sa mukha nito, pangungudngod ng pagkain sa kaniyang bibig, at paninipa sa kaniyang pasiyenteng naka-wheelchair; lahat ay nakita sa isang CCTV footage online.

Nagsulat ang netizen na si Lin sa isang Taiwanese na website na Breaking News Commune, at ipinost ang video kung paano itrato ng Indones na caregiver ang kaniyang pasiyente na isang lalaking Taiwanese na nasa 80-anyos na sa bahay nito sa Taichung.

Palihim na kinuha ang 2:40 minutong video noong ika-2 ng Hunyo, matapos ireklamo ng matandang lalaki sa kaniyang pamilya na minamaltrato siya ng kaniyang caregiver. Ipinapakita ritong hinahampas siya sa kaniyang ulo ng caregiver tuwing pinapakain siya ng malaking portion ng dinurog na pagkain sa kutsara.

Nang ilalabas na ng caregiver ang matandang lalaki sa kaniyang wheelchair, hinahambaan niyang sipain ang matanda sa mukha nito, at pinipilit na ilagay ang sombrero sa kaniyang ulo, habang tinutulak nito ang kaniyang ulo nang maraming beses.

Ayon sa Liberty Times, makatatanggap pa lamang umano ang Government’s Labor Affairs Bureau ng Taichung City ng reklamo ukol sa pang-aabuso. Umapila sa publiko ang spokesman para sa bureau na ang pamilya ng biktima ay marapat lamang na magsampa ng kaso, upang pansamantalang mapalitan muna ang caregiver.

Tutulungan rin ng bureau ang pamilya ng biktima na magsampa ng claims at compensation para sa pang-aabuso kung ito’y napatunayang mayroong  katotohanan.

Original: CCTV shows Indonesian caregiver abusing elderly man