Nag-viral sa social media ang litrato ng domestic worker na nakatayo sa labas ng pasimano at naglilinis ng bintana ng ika-14 na palapag ng apartment sa South Horizons sa Hong Kong Island noong Lunes habang humahagipit ang bagyo.

Ayon sa domestic worker na nag-share ng litrato sa Facebook nang mga katanghalian ng Lunes, isang kasambahay ang nakatayo sa pasimano at ‘tila naglilinis ng bintana at ang pasimano ay nasa ika-14 na palapag ng gusali, iniulat ng hongkongnews.com.

Ibinaba na ng Hong Kong Observatory ang typhoon signal mula No. 8 sa No. 3 noong 5:20AM at ito’y nanatili hanggang 2:40PM. Ibig sabihin lamang na naglinis ng bintana ang domestic worker habang nakadeklara ang signal No. 3.

Sinabi ng Filipinang nag-post ng litrato online na ang kaniyang amo ay isinumbong na ang insidente sa mga pulis. Noong Hulyo, isang Indones na domestic worker ang nahulog sa kaniyang kamatayan habang naglilinis ng bintana ng mataas na apartment ng kaniyang amo sa Tseung Kwan O.

Noong 2017, ipinakilala ng Labor Department ang mga batas sa pagpapaiwas ng mga domestic helper sa paglilinis ng mga bintana ng mga matataas na mga gusali.

Dalawa pang mga clause ang idinagdag sa mga employment contract. Nakatala sa isang sugnay na mga bintanang mayroon lamang mga nakakandadong mga grilles ang maaaring linisin ng mga kasambahay. Nakatala naman sa isa wala dapat ibang bahagi ng katawan ng kasambahay ang nasal abas ng bintana kundi ang kaniyang mga braso.

Original: Photo shows maid cleaning 14th floor window during typhoon