Isang Filipinong domestic worker sa Kuwait na nagsasabing inabuso umano siya ng kaniyang amo ay kasalukuyang hawak ng mga awtoridad sa pananaksak nito ng kaniyang amo.

Noong Biyernes, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pahayag na ang domestic worker na si Ulambai Singgayan, na lumipad patungong Kuwait noong Pebrero ng 2017, ay binugbog matapos niyang saksakin ang kaniyang amo, ayon sa ulat ng GMA News.

Sinabi ni Singgayan na binalaan umano siya ng kaniyang amo na tatanggalan siya ng visa at dadalhin siya sa isang bahay kung saan siya’y papatayin.

Sinabi ni Charleston C. Hermosura, ang chargé d’affaires ng Philippine Embassy sa Kuwait, na nagtamo ng mga pasa si Singgayan sa kaniyang mukha, dibdib at sa mga braso. Nakita sa x-ray na ang domestic worker ay nagtamo rin ng internal bleeding na resulta ng pambubugbog.

Naglabas ng pahayag ang Embassy na nagsasabing, matapos nilang mapag-alaman ang insidente, nagpadala sila ng isang team sa ospital kung saan nagpapagaling si Singgayan. Sinabi ni Sarah Lou Arriola, ang foreign affairs undersecretary para sa mga migranteng mga manggagawa, na ang DFA ay magbibigay ng tulong na legal at iba pang mga kinakailangan kay Singgayan.

“Tuluyang babantayan ng aming Embassy sa Kuwait ang aming kababayan na si Ulambai Singgayan at ngayo’y nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad upang masiguro na protektado ang kaniyang mga karapatan”, sinabi ni Arriola.

Si Singgayan, na ngayo’y kumakaharap na ng felony charges, ay kasalukuyang naka-hospital arrest.

Original: ‘Abused’ Filipina allegedly stabs employer in Kuwait