Isang video ng isang bata ang nagviral habang nakikipaglaro sa malaking ahas, marami sa mga nakapanuod ang na-alarma at nagalit sa magulang ng bata dahil hinayaan ng mga ito na makipaglaro ang bata sa ahas.

Ang sinasabing video ay nakuhanan di umano sa East Java, Indonesia. Makikita na tuwang tuwa ang bata habang nakikipaglaro sa ahas. Nakuha pa nitong umupo at sakyan ang ahas.

Marami ang na-alarma na sa isang maling galaw lamang ng bata ay maaaring atakihin siya ng ahas. Nakuha pang hawakan sa leeg ng bata ang ahas sinubukan pang buhatin, ulat ayon sa Metro.

Masyado pang bata ito upang makapagsalita ng ayos, ayon sa video.

Buti na lamang ay hindi inatake ng ahas ang bata at sinubukan pang kumawala mula sa bata.

Pinapaniwalaang mismong ang mga magulang ng bata pa ang kumuha ng video, na siyang hinuhusgahan ngayon dahil sa paglalagay sa kapahamakan ng kanilang anak.

Noong Mayo, isang video ang nakuhanan ng dalawang kababaihan ang sumakay sa isang malaking python sa Indonesia.

Marami ang nagalit sa magulang dahil sa pagiging iresponsable di umano ng mga ito, ngunit para naman sa iba, maganda din na maranasan ng bata ang wildlife.

Noong hunyo, isang katawan ng babae ang nakuha mula sa 27ft. na python matapos malunok ng buo ang babae habang siya ay naghahalaman sa Indonesia. Ang tumataas na kaso ng pag-atake ng mga ahas ay maaring dahil sa paglawak ng taniman ng mga oil palm sa bansa, ulat ayom sa Times Now.

Original: Indonesian toddler filmed playing with huge python

Read: Video of girls riding on python triggers online debate

Read: Woman swallowed by 23-foot python in Indonesia