Isang Filipino-Canadian na naninirahan sa siyudad ng Las Vegas sa USA, ang huli matapos manloko at magpanggap bilang celebrity talent booker.

Si Marlene Fitzgerald, 44-anyos, ay kinasuhan ng limang kaso ng felony dahil sa panloloko sa kanyang mga kliyente at makakuha ng higit US$230,000 (PHP13million) matapos mangako ng pagpunta ng mga celebrity sa kanilang mga event sa abroad, ulat ayon sa ABS-CBN News.

Nagpatakbo ng mga pekeng entertainment agencies si Fritzgerald mula Disyembre ng 2016 hanggang Hulyo ng 2017.

Ayon kay Nevada Attorney General Adam Laxalt, ginagamit ni Fritzgerald ang mga ahensyang World Entertainment LLC, Future Management at Total Entertainment Artist Management para mag-book ‘di umano ng mga artista kapalit ng malaking halaga.

Isa sa mga nabiktima ni Fritzgerald ang nagsabing siya ay pinangakuan nito na pupunta ang Canadian pop singer na si Justin Bieber at American boxer na si Floyd Mayweather sa kaniyang event ngunit hindi ito nangyari. Nagbigay na ng halos US$60,000 (PHP3million) ang biktima bilang down payment.

Hahatulan si Fritzgerald sa kanyang kinakaharap na kaso sa darating na Oktubre.

Original: Filipino-Canadian posed as celebrity talent booker