Arestado ang kasambahay sa Dubai matapos mahuli ito ng kanyang amo na nagnanakaw mula sa kanyang pitaka.

Matagal nang nagsu-suspetiya ang amo na ang kanyang kasambahay ay nagnanakaw sa kanya ng pera, ulat ayon sa The Filipino Times.

Dahil walang ebidensya ang amo sa kanyang kutob, naglagay ito ng patibong. Iniwan ng amo ang kaniyang pitaka sa ibabaw ng lamesa na naglalaman ng 1,500 dirhams (PHP22,000) at umalis ng bahay. Naiwan mag-isa ang kasambahay kasama ang pitaka.

Pagkauwi ng amo, napag-alaman niyang kulang na ito ng 200 dirhams (PHP3,000). Itinanggi ng kasambahay ang pagnanakaw. Dito na tumawag ng pulis ang amo.

Kinalaunan ay inamin din ng kasambahay ang pagnanakaw. Itinago niya raw ang pera sa ilalim ng sofa sa sala, ayon kay Emarat Al Youm. Itinaas na ang kaso ng kasambahay sa Public Prosecutor’s Office.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang media ukol sa lahi ng amo o ng kasambahay.

Original: Domestic worker in Dubai allegedly stole from her employer