Isang ‘di umano’y illegal recruiter ang huli sa Maynila matapos humingi ng pera kapalit ng pagbabalik ng passport ng isang Filipina.

Humingi ng tulong ang emigranteng manggagawa na si Rosemarie Rodil sa Manila Police General Assignment and Investigation Section upang makuha muli ang kaniyang passport sa dati niyang recruitment agency, ulat ayon sa The Filipino Times.

Ayon kay Rodil, ang recruiter na si Lalain Gomez, na dating empleyado ng agency, ay humingi ng halos PHP7,000 (US$130) upang mabawi niya ang kaniyang passport, ngunit hindi nakapagbayad si Rodil dahil siya ay lubog sa utang dahil wala pa siyang trabaho at dahil na rin sa mga ginastos sa kaniyang dating recruitment agency.

Ayon sa Filipina, hindi niya magawang makapag-apply sa bagong trabaho at sa bagong recruitment agency na siyang nag-aalok sa kaniya ng trabaho sa Middle East dahil wala sa kaniya ang kaniyang passport.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis upang madakip ang recruiter na si Gomez. Umamin naman si Gomez at sinabing mag-isa siyang nagtatrabaho dahil sa pagsasara ng dating pinapasukan na recruitment agency.

Kinasuhan si Gomez dahil sa pagtangging pagbabalik ng passport ni Rodil.

Muli, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga manggagawang Filipino na maging masusi at maingat sa mga pinapasahang trabaho at dapat awtorisado ng Philippine Overseas Employment Administration. Dapat din na lehitimo ang mga recruitment agency upang ‘di mabiktima ng mga illegal recruiters.

Original: Police to charge recruiter who withheld worker’s passport