Napatunayang nagkasala ang Filipinong clerk sa Dubai sa paglalagay ng camera upang kuhanan ng video ang kaniyang mga Filipinang mga kasama sa bahay habang ang mga ito’y nagsisipaligo. Noong Huwebes, sa Dubai court of First Instance, umamin ang 41-anyos na Filipino na kinuhanan niya ng video ang kaniyang mga kasama sa bahay nang mga nakahubad at pinanood ang mga ito, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.

Sinabi ng isa sa mga kasama nito sa bahay na nakatagpo siya ng camera sa kisame ng paliguan at sinabi niya ito sa iba. Kinuha nila ang camera at tiningnan ang laman ng memory card, at nakita nila ang kanilang mga sariling hubo’t hubad habang sila’y mga naliligo.

Sinubukang kumbinsihin ng Filipino ang kaniyang mga kasama na huwag nang magsampa ng kaso at nangakong buburahin na ang mga video. Gayunpaman, napag-alaman ng isa sa kanila na sinimulan pang kuhanan ng video ang mga babae noon pang Disyembre ng taong 2017 at mayroon nang higit sa 100 mga video at mga litrato nilang mga naka-hubo’t hubad.

Nagsampa ng kaso ang mga Filipina laban sa lalaki, na napatunayang nagkasala ng pangmomolestiya at pambabastos ng dignidad ng kaniyang mga babaeng mga kasama sa bahay. Didinigin ang desisiyon ng korte sa ika-8 ng Oktubre.

Original: Man pleads guilty to filming roommates in shower in Dubai